Tuesday, November 16, 2010

i was once a..

i was once addicted to love...
hindi ko naman alam kung bakit..
pakiwari ko d na kami maghihiwalay
akala ko magtatagal kami
oo, minahal nya ako
naramdaman ko un
dahil doon, minahal ko rin sya
minahal ko sya na higit pa sa pagmamahal nya..

ang pagmamahal ko...
ang pagmamahal ko na sumira ng lahat
ang pagmamahal ko na akala ko ay okey lang
ang pagmamahal na nag-ugat ng isang matinding galit

ang galit ko...
ang galit ko na bunga ng matinding pagmamahal
ang galit ko na hindi ko malaman kung ano ang pinagmulan
ang galit ko na ibinuhos sa isang matinding pagluha

ang pagluha ko...
ang pagluha ko na dulot ng sobrang galit at pagmamahal
ang pagluha ko na nagpahupa sa aking nararamdaman
ang pagluha na nagpalis ng aking kalungkutan

..ang kalungkutan na namahay sa aking kalooban
..na hanggang sa ngaun ay aking nararamdaman

..bigla kang dumating, dala ang isang ngiti
..ang ngiti na nagdulot ng pagkabura ng kalungkutan
..ang kalungkutan na napalitan ng isang kasiyahan
..ang kasiyahan na hanggang sa patulog ay kasama


..at ng dahil sayo
..ang kaligayahan ay muli kong nadama :)


..4:48 pm
..freewriting
..no editing
..hehe :)

Saturday, November 13, 2010

Bus Stop part 2(unpublished)

buS StoP part 2
eto bago :)ahaha
sumakay ako ng bus kanina papasok,
para mag-enroL na rin sana pagkaupo ko,
lumapit ung kundoktor!
"saan ka?"
"naic po!"(sabay aabot ng bayad at sinuklian ako)
after a while(marami rami na rin ang sumakay) ,
bumalik si Manong sa aken!
"san ka?"..
e d sbi ko "bayad na ho ako" (with a fu**in smiLe)
ayan umandar na uLet :) marami na namang sumakay
tapos, bigla na namang lumapit ung kunduktor saken
sabi saken...
"bayad mo?"
sabi ko
"bayad na nga ho ako kanina pa" ngising aso :)
sabay talikod ni Manong at itinatago ang pagkapahiya
"para!" sabi ko
humarap ung kundoktor saken
"BAYAD NA AKO, TABI PO AT DARAAN AKO"

ahaha!
taob c manong! kase naman bumili na ng Memory card ung 100000000 GB agad :)
whew!

Tuesday, September 21, 2010

field trip na malupet

noong elementary pa lamang ako, hilig ko nang sumama sa mga ganyang school activities..
..ewan ko kung bakit siguro gusto ko lang mag-aksaya ng pera kahit di naman ako mayaman..
speaking of Field trip.. nuh nga pala ulam nyo kapag field trip??
choices
a.hotdog- eto na ata ang pinakasikat na ulam sa tuwing may field trip.. ewan ko rin lang kung bakit basta patok sya.. kung ala kang budget may vida hotdog kung sosyal ka naman ehh TENDER JUICY ang ipabibili mo sa Nanay mo.. Sabi nila gawa daw sa uod ang hotdog.. ung uod na pwedeng kainin(pede ba naman un? ewan ko kung saang teorya nila nakuha ung mga ganoong kalokohan.. balik hotdog ulet tau.
..bakit nga kaya peyborit ng iba ang hotdog nuh? bahala na kayong sumagot sa tanong na yan!hahaha..
di ko rin alam kung bakit ehh..nyahaha
b.fried chicken- isa rin sa mga paboritong baunin kapag fieldtrip.. ba't nga kaya?? actually, favorite ko rin yan ibaon dati dahil sa masarap na eh .20%(point twenty percent) lamang ka sa mga klasmeyt mo ng ulam eh hotdog..hahaha! Feeling chicken joy nga naman kapag lunch time na..

at ang pinaka-astig na option ay eto
c. kalabit penge(kakaibang baon to men!)- ganito ang mga gawain ng mga kaklase kong effort na effort sa paggising ng maaga makapagluto lamang ng ulam sa kabaligtaran.. nyahaha..
badtrip eh nuh! kung damut-damutan ka ehh tlgang badtrip ka..
kung mala-anghel naman ang kabaitan mo ibibigay mo lahat ng baon mo makatulong ka lang sa kanila..hahaha

      ..naalala ko lang, minsan na nga pala akong naging dahilan kung bakit ala-syete ng umaga ang alis ng bus ehh magaalas-otso na kami nakaalis.. hahaha! sipag ko kase ehh..

..eto mga sikat na lugar na lagi naming pinupuntahan noon kapag field trip na ewan ko kung bakit hindi na ako nagsawa.

..MANILA ZOO- eto na ata ang pinaka-sikat o pinaka-paltos na lugar na laging pinupuntahan.. kelangan ba talagang i-expose sa iba't-ibang uri ng mga hitsura ng mga hayup??hahaha.. mga unggoy lang naman ang laging nakikita..di na nagsawa makakita lang ng unggoy..haha pwede namang tumingin sa salamin bakit kaya kelangan pa magpunta ng Manila Zoo??ahaha..
..UNG BAHAY SA KAWIT- anuh nga tawag dun?? di ba dun ung ano?? anuh nga ba yung naganap doon?? ang alam ko lang ehh doon iwinagayway yung watwat ni .. sinong bayani nga ulet un?? nYhahaha.. ge tama na tong lugar na toh! kakahiya ala akong alam sa history ng sarili kong bayan.. whahaha
..marami pang lugar na nakakasawang puntahan dahil paulit-ulit na lang..

..dito na lamang ulet!hahaha
..di na kasya ung oras ko para isa-isahin pa sa inyo ang mga kalokohang nasa isip ko...

..hahaha

..di naman masamang sumama sa field trip ehh(ala naman nagbabawal eh!)
..kung gusto talaga ehh dalawang buwan pa lang bago ang field trip eh magipon-ipon ka na! para kung sakaling walang maibigay si nanay o tatay ehh may magagamit ka di ba?..
..wag gagaya saken, iiyakan ko mga magulang ko kapag hindi nila ako pinapayagan at dahil sa CONVINCING POWER ng mga luha ko ehh di magtatagal at bibigyan nila ako ng pambayad!
..oha! astig nuh..

hahaha

Monday, September 20, 2010

iDate ulet!

hindi ko alam kung bakit nahilig at naadik ako sa iDate(Vev'z bilisan mo maghanap ng column mo mag.a.i-date pa ko!hahaha) teka ba't ba napunta ako dun??
balik tau sa iDate.. ang iDate ay online gaming na kung saan ay maglalaro ka lang natural..hahaha hand and eye coordination ang kinakailangan dito! ang mata ang ipipindot sa mga arrow keys at ang kamay ang siyang titingin sa monitor..haha common sense naman natural lang na ang kamay ay sa arrow keys at ang mata ay sa monitor..
..
..doon sa holyfire ako lagi laging naglalaro.. sapat na ang isang oras para sa paglalaro dahil kahit papaano ay nag-aaral din naman ako.. pero kung hindi ako nasisiyahan, umaabot ako ng dalawang oras: isa sa hapon at isa sa gabi!hahaha
..nakokontrol ko pa naman ang pagka-adik ko kahit papaano..
..maayos pa rin naman ang takbo ng buhay ko kahit kasabay ng pag-aarall o pagre-review ang pangangati ng kanay na makapaglaro ng iDate..
..pakiramdam ko nawawala ang stress ko after a very stressful day galing sa school..
..anyway, hindi naman masama ang paglalaro ng iDate..
..dame ko na mga naging bagong kaibigan dahil dito ehh..
..teka, bilangin ko ah..
una.. si.. ah!  ehhh..
ah basta marami na talaga..hahaha
..mas maganda naman na yung sa iDate ako naaadik kesa sa pagyoyosi, paglalaklak at pagtambay sa kalsada sa hating gabi..
maganda kasi walang parte sa aking katawan ang maaring maapektuhan..
hindi mabubulok ang baga ko kayo-yosi
hindi masisira ang liver ko kakalaklak..
at higit sa lahat
"hindi masisira ang buhay at pag-aaral ko dahil sa pagtambay tambay jan sa kalsada sa tapat nila ATE STORE"
..haha

,,hindi masamang magkaroon ng paglilibangan basta't huwag lamang aabot sa point na kinukupitan mo na ang nanay at tatay mo makapaglaro lang ng iDate.. oh kahit anong klaseng pagkakaabalahan pa lang..


..so sa ngayon, pauwi na ako..
sa ulitin..
hahaha